Have you voted? Chiz wants our votes for our magnificent wonders. Read his statement below and then vote. Today is Earth Day. What better way to show our love for Philippines than to put her scenic spots in the world stage?
TARA NA’T IBOTO SA THE NEW SEVEN WONDERS OF THE WORLD - CHIZ
Tara na’t iboto ang mga naggagandahang lugar sa ating bansa sa The New Seven Wonders of the World para naman hindi palaging pangit at malulungkot na pangyayari ang nababalitaan tungkol sa ating bayang Pilipinas sa buong mundo.
Ito ang paghimok ni Senador Francis Chiz Escudero sa lahat ng mamamayan kung saan nakatala na sa pinakabagong ulat ng
www.new7wonders.com ang Tubbataha Reef na matatagpuan sa karagatan ng Sulu at ang Puerto Princesa Underground River na matatagpuan naman sa Palawan.
Sa nasabing ulat ang Tubbataha ay nasa ika-siyam na bilang na mula sa Top 77 na nominado at ang Underground River naman ay nasa ika-isandaan at limanpu’t dalawang bilang.
"Isali na rin natin ang iba pang naggagandahang mga lugar sa ating bansa bilang nominado para malaman at matunghayan ng buong mundo kung gaano pinagpala sa likas na yaman at ganda ang Pilipinas," giit ni Chiz.
"Tara na’t ako ma’y bumoto na!,” dagdag pa ni Chiz.